• Mga Tanong sa Survey para sa Ika-3 Yugto ng Plano ng Serbisyo sa 2026

    Sa pagtatapos ng 2026, maghahatid ang panrehiyong Link light rail ng Sound Transit ng pinalawak na serbisyo sa mga lugar na pinagseserbisyuhan ngayon ng mga bus. Kasama sa mga papalawakin ng Link ang 2 Line Crosslake Connection, na kukumpleto sa 2 Line mula sa Lynnwood City Center papuntang Downtown Redmond, at sa 1 Line papuntang Federal Way Downtown. Kung gumagamit ka ng ST Express sa kasalukuyan, posibleng mag-iba ang biyahe mo sa pagbubukas ng Link.

    Isinasagawa ng Sound Transit ang survey na ito para mangalap ng feedback mula sa publiko tungkol sa aming mga mungkahi sa serbisyo ng ST Express bus. Makakatulong sa pinal na Plano ng Serbisyo sa 2026 ang pagsali mo!

     

  • Mga Tanong para sa Mga Sumasakay

  •  

    Mga Tanong Tungkol sa Mungkahi sa Ruta

    Tandaan: Ang makikita lang ng mga sumasagot sa survey ay ang mga mungkahi sa ruta at ang mga kaugnay na tanong para sa mga rutang napili nila.

  • Pagandahin ang Ruta 513 at itigil ang serbisyo sa Eastmont Park & Ride


    Magdaragdag kami ng northbound na serbisyo sa Ruta 513 sa AM peak at ng southbound na serbisyo sa PM peak. Hindi na rin hihinto sa Eastmont Park & Ride ang Ruta 513.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Ang mga tao na bumibiyahe patungong Seaway Transit Center sa AM at sa Lynnwood sa PM ay magkakaroon ng opsyon na gamitin ang bagong bi-directional na serbisyo sa Ruta 513.

     

    Para sa mga kasalukuyang biyahero na gumagamit sa Eastmont Park & Ride, puwedeng maging alternatibo ang Istasyon ng South Everett Freeway. Ang mga Ruta 903/904/905 ng Community Transit at Ruta 512 ng ST ay nagseserbisyo sa South Everett at nagtutungo sa Istasyon ng Lynnwood City Center.

     

  • Ruta 515

    Alisin ang Pansamantalang Ruta 515

    Ang Ruta 515 ay pansamantalang ruta kapag peak lang sa pagitan ng Istasyon ng Lynnwood City Center at Downtown Seattle. Noong una, ang ruta ay pansamantalang paraan para madagdagan ang kapasidad ng 1 Line hanggang sa ganap na nagbukas ang 2 Line. Nang maaprubahan ng Sound Transit Board of Directors ang Ruta 515, pinahintulutan ng Board ang CEO na itigil ang Ruta 515 kapag kumonekta ang 2 Line sa 1 Line sa Lake Washington.

    Dahil sa nakaiskedyul na pagbubukas ng 2 Line sa Lake Washington sa 2026, na magreresulta sa mas madalas na serbisyo at dagdag na kapasidad sa pagitan ng Lynnwood City Center at Downtown Seattle, iminumungkahi naming ihinto ang Ruta 515 na magkakaroon ng bisa sa Taglagas 2026. Puwede na lang gamitin ng mga pasahero ang madalas na serbisyo sa Link, kung saan dumaraan ang mga tren kada 4‑5 minuto sa araw sa pagitan ng Lynnwood at Seattle sa 1 Line at 2 Line.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Ang mga biyahero ay puwedeng sumakay sa 1 Line o 2 Line para makapunta pa rin sa parehong mga destinasyon.

     


     

  • Ruta 522

    Pagpapalit ng ruta patungong Istasyon ng Shoreline South at pagpapaganda sa serbisyo

    Ang Ruta 522 ay magpapalit ng ruta patungong Istasyon ng Shoreline South. Ang pagbabagong ito ay magiging pareho sa hinaharap na Stride S3 Line. Magiging mas madalas ang serbisyo kung saan magiging humigit-kumulang kada 15 minuto sa buong araw sa pagitan ng UW Bothell at Shoreline South at humigit-kumulang 30 minuto buong araw mula Woodinville.
     

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Ang mga pasaherong sumasakay sa Ruta 522 sa hilaga ng NE 145th Street ay lilipat sa 1 Line o 2 Line sa Istasyon ng Shoreline South sa halip na Istasyon ng Roosevelt. Ang mga pasaherong bumibiyahe patungong timog ng NE 145th Street ay puwedeng sumakay sa bagong Ruta 72 o 77 ng King County Metro para sa serbisyo patungong Istasyon ng Roosevelt o University District.

     


     

  • Ruta 535

    Pagandahin ang serbisyo ng Ruta 535 tuwing weekend

    Bilang pagtugon sa feedback mula sa komunidad at alinsunod sa nakaraang pagpaplano, ang Ruta 535 ay magbibigay ng mas madalas na serbisyo tuwing Sabado at magpapatakbo tuwing Linggo. Ang serbisyo tuwing weekend ay magpapatakbo kada 30 minuto sa araw at kada 60 minuto sa gabi.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Magkakaroon ng mas madalas na serbisyo tuwing weekend ang mga biyahero.

     

     

  • Ruta 550 

    Alisin ang Ruta 550

    Dahil ang 2 Line ay magseserbisyo sa mga destinasyon sa pagitan ng downtown Seattle at Bellevue sa 2026, aalisin ang Ruta 550.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?


    Ang mga pasaherong kasalukuyang sumasakay sa Ruta 550 ay puwedeng sumakay sa 2 Line para makarating sa downtown Seattle, Judkins Park, Mercer Island, Bellevue, at mas malayo pa. Magagawa ng mga pasaherong gumagamit sa mga hintuan sa Bellevue Way na gamitin ang pinahusay na Ruta 556 para bumiyahe sa Eastside, o lumipat sa 2 Line sa Bellevue Downtown o South Bellevue para sa serbisyo patungong Seattle.

  • Ruta 554/Ruta 556

    Alisin ang Ruta 554; paikliin at pagandahin ang Ruta 556

    Alisin ang Ruta 554 at palitan ito ng pinagandang Ruta 556. Paiikliin hanggang sa Bellevue Transit Center ang Ruta 556. Ang Ruta 556 ay magbibigay sa mga pasahero ng mas madalas na serbisyo (humigit-kumulang kada 15 minuto) sa pagitan ng Bellevue at Issaquah, at magdaragdag sa Issaquah ng mga lokal na hintuan.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

     

    Magagamit ng mga pasaherong kasalukuyang sumasakay sa 554 ang Ruta 556 na mas madalas nang bumibiyahe para kumonekta sa 2 Line para sa serbisyo sa Seattle o Redmond sa mga istasyon sa South Bellevue at Bellevue Downtown. Ang Ruta 556 ay darating humigit-kumulang kada 15 minuto sa halos buong araw; ang 2 Line ay magbibigay ng serbisyo kada 8-15 minuto.

    Ang mga biyaherong sumasakay sa Ruta 556 patungong University District ay puwedeng lumipat sa South Bellevue patungong 2 Line, o sa Bellevue Downtown patungong Ruta 270 sa King County Metro para magpatuloy sa University District. Darating ang mga tren ng 2 Line humigit-kumulang kada 8‑15 minuto. Darating ang Ruta 270 humigit-kumulang kada 15 minuto sa pagitan ng 6 a.m. at 7 p.m.

    Ang Ruta 556 ay magseserbisyo rin sa mga bagong hintuan sa Issaquah, kabilang ang Sunset Way at Gilman Boulevard. Makikita sa mapa ang mga partikular na hintuan.

     

     

  • Ruta 574

    Paikliin ang Biyahe Patungong Istasyon ng Federal Way Downtown at Dagdagan ang Serbisyo

     

    Ang Ruta 574 ay iminumungkahing matapos sa Istasyon ng Federal Way Downtown habang tumatakbo ang 1 Line. Mas dadalas at magiging kada 15 minuto sa halos buong araw. Magdaragdag din ng hintuan sa Istasyon ng Lakewood.

    Kapag hindi tumatakbo ang Link, may overnight na ruta (tutukuyin pa ang Ruta) na magseserbisyo sa pagitan ng Lakewood, Federal Way, SeaTac, at Seattle.

     

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Kakailanganin ng mga pasahero na lumipat mula Ruta 574 patungong Link sa Federal Way para makarating sa SeaTac at sa mga destinasyon sa pagitan. Gayunpaman, para mabalanse ang tagal ng paglipat, ang dalas ay magiging 15 minuto sa halos buong araw. Magagawa ng mga pasaherong dating sumasakay sa Ruta 574 sa S 188th St na gamitin ang Ruta 161 sa King County Metro.

     


     

  • Ruta 580

    Alisin ang Ruta 580

    Dahil sa 510 espasyo na garaheng paradahan sa Istasyon ng Puyallup at alternatibong serbisyo ng Ruta 400 sa Pierce Transit sa pagitan ng South Hill Park & Ride at Istasyon ng Puyallup, aalisin ang Ruta 580.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Ang mga biyaherong pumaparada sa Red Lot para makasakay sa Ruta 580 ay puwedeng pumarada sa South Hill Park & Ride at sumakay sa Ruta 400 sa Pierce Transit o pumarada sa garaheng paradahan sa Istasyon ng Puyallup.

  • Ruta 586

    Alisin ang Ruta 586

    Aalisin ang Ruta 586 dahil ang mga Ruta 577, 590, at 594 (o Sounder S Line) at Link ay magseserbisyo sa parehong mga destinasyon sa University of Washington nang may katulad o mas mabilis na tagal ng biyahe. Ang Istasyon ng Federal Way Link Extension ay magbibigay ng pinahusay na access, dalas, at kapasidad sa rehiyon.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

     

    Magkakaroon ng ilang alternatibo ang mga pasaherong kasalukuyang sumasakay sa Ruta 586:

    1. Sumakay sa Ruta 577 mula sa Federal Way, Ruta 590, 594, o Sounder S Line mula sa Tacoma Dome patungong downtown Seattle para makalipat sa 1 Line o 2 Line sa Istasyon ng International District/Chinatown o Istasyon ng Symphony para makarating sa mga destinasyon sa University District.

    2. Sumakay sa 1 Line mula mismo sa Federal Way.


     

  • Pilot na Programa para sa Overnight

    Ang pagpapatupad sa mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.

    Magdagdag ng mga bagong overnight na ruta sa panrehiyong network

    Kapag hindi tumatakbo ang Link, ang mga bagong ruta ng ST Express ay magseserbisyo sa pagitan ng SeaTac Airport, Downtown Seattle, at Everett. Nagmumungkahi kami ng pilot na programa ng maikling overnight na ruta sa pagitan ng SeaTac Airport - Downtown Seattle at ng overnight na ruta sa pagitan ng Everett – Downtown Seattle).

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

     

    Ang mga pasahero ay magkakaroon ng access sa bagong overnight na serbisyo kapag hindi tumatakbo ang Link. Kapag ipinagsama sa mga koneksyon sa RapidRide A Line ng King County Metro sa mga istasyon ng Tukwila International Boulevard at SeaTac Airport, magagawa na ngayon ng mga pasahero na bumiyahe sa pagitan ng Federal Way, SeaTac, Seattle, at Everett nang buong araw, buong linggo.

    Tutukuyin pa ang haba ng oras ng serbisyo at dalas ng bagong serbisyong ito.

  • Overnight na Serbisyo (Lakewood - Downtown Seattle)

    Ang pagpapatupad sa mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.

    Magdagdag ng bagong overnight na ruta sa panrehiyong network

    Kapag hindi tumatakbo ang Link, may bagong ruta ng ST Express na magseserbisyo sa pagitan ng Lakewood at Downtown Seattle, na hihinto sa Tacoma, Federal Way, at SeaTac.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

     

    Ang mga pasahero ay magkakaroon ng access sa bagong overnight na serbisyo kapag hindi tumatakbo ang Link. Ang mga pasaherong kasalukuyang bumibiyahe sa gabi patungo sa ibang destinasyon sa Lakewood, Tacoma, Federal Way, SeaTac, at Downtown Seattle ay makakarating sa kanilang mga destinasyon gamit ang ST Express bus.

    Tutukuyin pa ang haba ng oras ng serbisyo at dalas ng bagong serbisyong ito.


     

  • Overnight na Serbisyo (Redmond – Downtown Seattle)

    Ang pagpapatupad sa mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.

    Magdagdag ng bagong overnight na ruta sa panrehiyong network

    Kapag hindi tumatakbo ang Link, may bagong ruta ng ST Express na magseserbisyo sa pagitan ng Redmond at Downtown Seattle, na hihinto sa Bellevue at Mercer Island.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

    Ang mga pasahero ay magkakaroon ng access sa bagong overnight na serbisyo kapag hindi tumatakbo ang Link. Ang mga pasaherong kasalukuyang bumibiyahe sa gabi patungo sa ibang destinasyon sa 2 Line sa pagitan ng Redmond at Downtown Seattle ay makakarating sa kanilang mga destinasyon gamit ang ST Express bus.

    Tutukuyin pa ang haba ng oras ng serbisyo at dalas ng bagong serbisyong ito.


     

  • Overnight na Serbisyo (Everett – Downtown Seattle)

    Ang pagpapatupad sa mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.

    Magdagdag ng bagong overnight na ruta sa panrehiyong network

    Kapag hindi tumatakbo ang Link, may bagong ruta ng ST Express na magseserbisyo sa pagitan ng Everett at Downtown Seattle, na hihinto sa South Everett, Lynnwood, Mountlake Terrace, Shoreline, Northgate, at University of Washington.

    Ano ang epekto nito sa mga pasahero?

     

    Ang mga pasahero ay magkakaroon ng access sa bagong overnight na serbisyo kapag hindi tumatakbo ang Link. Ang mga pasaherong kasalukuyang bumibiyahe sa gabi patungo sa ibang destinasyon sa Ruta 512 sa pagitan ng Everett at Lynnwood at 1 Line Lynnwood at Downtown Seattle ay makakarating sa kanilang mga destinasyon gamit ang ST Express bus.

    Tutukuyin pa ang haba ng oras ng serbisyo at dalas ng bagong serbisyong ito.

  • Mga Tanong Tungkol sa Demograpiko

    Opsyonal at ganap na anonymous ang mga sumusunod na tanong:

  • Should be Empty: